Mobile Heaser

WPS, tinalakay sa Peace Forum sa VLuna

WPS, tinalakay sa Peace Forum sa VLuna


Isang Peace Forum na may temang “Araw ng Kalayaan, Araw ng Kamulatan” (Peace Forum: In Celebration of the 127th Day of Philippine Independence) ang isinagawa nitong ika-11 ng Hunyo taong 2025 sa Camp Victoriano K. Luna, V. Luna Avenue, Quezon City, bilang bahagi ng pagtalakay sa karapatang-soberanya ng bansa sa West Philippine Sea.

Nagbahagi ng kanilang kaalaman mula sa kani-kanilang larangan sina COL JO-AR A HERRERA PA (MNSA), Chief, Psychological Operations Division, OJ7, at COL FRANCEL MARGARETH A PADILLA PA (GSC), AFP Spokesperson.


Ibinahagi ni COL HERRERA ang “Mulat” Communication Plan na naglalayong gisingin ang diwa ng bawat kalahok upang maging mapanuri, mulat, at aktibong makiisa sa pagsusulong ng pambansang interes. Samantala, tinalakay naman ni COL PADILLA ang kahalagahan ng West Philippine Sea at binigyang-diin ang tungkulin ng bawat Pilipino na maging mapanuri sa mga impormasyong kanilang natatanggap—upang maiwasang malinlang ng maling datos at sa halip ay kumapit sa tama, malinaw, at makatotohanang komunikasyon. Layunin nitong maipaabot ang karapatan ng bansa sa ating karagatan at mapanatili ang ating soberanya.


Sila ay mainit na tinanggap nina BGEN JONNA D DALAGUIT MC, Commander, AFPMC; COL FLORENCIO RITCHIE I CAPULONG III MAC (GSC), Deputy Commander for Administration, AFPMC; COL JOSE ROSEL R REDUBLE MC (MNSA), Deputy Commander for Clinical, AFPMC; COL RIFIEL SANTIAGO G SOTTO PAF (GSC), Chief, Public Information Office, AFPMC; at COL ERICKSON L GOB MC (GSC), Chief, V. Luna General Hospital, AFPMC—kasama ang iba pang iginagalang na personalidad.

Para sa kabuuang detalye: https://web.facebook.com/AFPMedicalCenterPIO/posts/728650799672731