Mobile Heaser

West Philippine Gallery Exhibit, Umikot sa 3 Malalaking Mall sa Region 2
CAMP MELCHOR F. DELA CRUZ, Upi, Gamu, Isabela — Upang palawakin ang kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kahalagahan ng West Philippine Sea, matagumpay na itinampok ang West Philippine Sea Gallery Exhibit sa tatlong pangunahing mall sa Rehiyon 2 nitong nagdaang Marso. Ang exhibit na ito ay nagbigay-liwanag sa mga isyung may kaugnayan sa ating yamang-dagat at mga legal na batayan ng ating soberanya.
Ilan sa mga lokasyon kung saan itinanghal ang exhibit ay ang SM City Cauayan (08-09 March 2025), North Star Mall, Lungsod ng Ilagan (22-23 March 2025), at sa SM Downtown sa Lungsod ng Tuguegarao (March 29-30, 2025)
Nagbigay ang exhibit ng masusing impormasyon sa pamamagitan ng mga interaktibong pagpapakita tungkol sa mga batas pangkaragatan, kasaysayan ng pag-aangkin, at ang kahalagahan ng West Philippine Sea sa ating bansa.
Dahil sa mainit na pagtanggap ng publiko, malinaw ang lumalawak na interes at malasakit ng mga Pilipino sa pangangalaga ng karagatan. Maraming dumalo ang nagpahayag ng kanilang pasasalamat sa detalyadong impormasyong ibinahagi at magpapatuloy ang ganitong mga kampanya sa edukasyon at kaalaman.
Muling pinagtitibay ng 5th Infantry Division ang kanilang paninindigan sa pagbibigay ng tamang impormasyon at pagpapatibay ng pambansang kamalayan ukol sa West Philippine Sea. Sa pamamagitan ng ganitong mga talakayan, inaasahang mas mapapalakas ang damdaming makabayan at ang pagkakaisa ng sambayanan sa pagtatanggol ng soberanya ng bansa.